top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dike ng Angat Dam, dapat suriin kung naapektuhan sa magkakasunod na lindol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30, 2019
  • 2 min read

MAYROON bang nag-usisa kung nagkalamat o nagkabitak ang dike ng Angat Dam sa serye ng paglindol noong nagdaang araw?

Isang tumpak na tanong ito na walang nangangahas na sumagot!

◘◘◘

DAPAT paghandaan ng lalawigan ng Bulacan ang worst case scenario: Pagguho ng Angat Dam.

Kailangang magsagawa ng yearly ‘de­lubyo’ drill na tatawaging “Noah’s Flood Drill”!

◘◘◘

SA Bulacan “Great Flood Drill”, matutukoy kung anong klase ng tulong ang maaaring ipadala o isaklolo sa Bulacan.

Halimbawa, ilang helicopter ang puwedeng gamitin bilang “emergency measures”.

Saan manggagaling ang rescue helicopter?

Anong klaseng pagsagip o rescue mission ang dapat isagawa sa lumulubog na bayan ng Baliwag, Plaridel, Puli­lan, Calumpit, Malolos, Ba­lagtas, Hagonoy, Guiguinto, Bo­caue, Marilao, Meycauayan, Paombong at Obando?

◘◘◘

Kalahati ng lalawigan ng Bulacan ay lulubog kapag sumabog ang Angat Dam.

Kasamang lulubog ang tatlong national highway papasok sa Metro Manila.

Kabilang ang old national highway na M.H. del Pilar na bumabagtas sa sinaunang national road mula Malolos, Bulakan, Obando, Valenzuela, Malabon at Navotas.

Ikalawa, ang popular na McArthur Highway mula sa Malolos, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycaua­yan at Valenzuela City.

Walang duda, paralisado ang NLEX mula sa Pulilan, Plaridel, Guinguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauyan at Valenzuela City!

◘◘◘

PARALISADO rin at magbubunsod ng krisis ang Metro Manila sa pagguho ng Angat Dam kasi walang sasakyan na manggagaling at makabibiyahe patungo at paalis ng Northern Luzon.

Damay sa krisis ang mga lalawigan ng Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Nueva Vizcaya, Isabela, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zambales, Bataan at CAR.

Bakit hindi ito inaasikaso ng gobyerno at sinumang nauupo sa Malacañang?

National crisis ang ibubunsod ng pagsabog ng Angat Dam, higit sa pagsabog ng alinmang bulkan sa daigdig!

◘◘◘

HINDI lang lindol ang panganib at banta sa Angat Dam kundi ang malalakas na pag-ulan, baha o landslide.

Pero, ang pinakadelikado ay ang banta ng terorismo.

Ang Angat Dam ay wala sa pangangalaga ng gobyerno ng Republika ng Pilipinas, bagkus, ito ay nasa kontrol ang mga kaduda-dudang negosyante mula sa ibang bansa.

Hindi ito biro, ito ang mapait na katotohanan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page