top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

CELTICS, ‘DI PINAPORMA SA GAME 1 ANG BUCKS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30, 2019
  • 2 min read

BUMANAT si Al Horford at Jaylen Brown ng tig-isang tres puntos para sa 12 puntos nila sa 3rd quarter nang magbaga ang kanilang laro at burahin ang pagkaiwan upang ganap na makahabol ang Boston Celtics sa 112-90 na panalo laban sa top-seeded na Milwaukee Bucks sa opener ng kanilang Eastern Conference best-of-seven semifinal playoff series.

Matapos talunin ang Bucks ng isang beses sa tatlong subok ngayong regular season, target ng 4th seeded Celtics na umangat sa 2-0 sa pagbanat vs. Milwaukee sa Martes ng gabi.

Nakalalamang ang Celtics sa kabuuan ng laro, pero naiwan sila sa 56-54 matapos magtarak ni Robin Lopez ng 3 puntos sa ikalawang minuto ng 3rd quarter. Tumugon ang Boston sa paghabol ng 12-0, kasama na ang 3 puntos ni Horford para mang-iwan sa 66-56 lead sa natitirang 7:37 minuto sa peryodo.

Umalagwa pa ang Celtics sa 19 puntos sa quarter at unti-unti nang nag-iwan sa final quarter matapos ang paghabol sa 12 puntos ng Bucks. Nabalewala naman ang balik sigla sa laro para sa Milwaukee ni Giannis Antetokounmpo na may 7-for-21 lamang na naitarak sa game. Nasayang ang kanyang 22 points para sa Bucks.

Samantala, umaasa naman ang Philadelphia 76ers na mapigilan si Kawhi Leonard at makabawi sa Game 2. Dobleng hirap ang haharapin ng 76ers sa pagbisita nila sa Toronto Raptors ngayon sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference semifinal.

Kailangan nilang pag-aralang mabuti kung paano magwawagi sa Toronto at ang pinakama­halaga ay kung paano pipigilan si Kawhi Leonard na umiskor ng career playoff-best 45 points para sa Game 1 victory ng Raptors noong Linggo.

He’s a tough player, I mean he’s Kaw­hi,” ayon kay Philadelphia’s Ben Simmons, na itinatapat kay Leo­nard. “He’s a phy­sical guy, a lot of length; he can shoot the ball, so he’s a tough guy to match up on.” (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page