‘PINAS, SOLB NA SOLB NA ANG GASTUSIN SA SEAG

APAT na malalaking negosyante ang tatlong kalahok sa PBA at ang isa ay dating kasapi ng professional basketball league na aktibong tumutulong kay POC president Ricky Vargas para matagumpay na maidaos ang 2019 Southeast Asian Games na lalarga sa Nobyembre sa bagong state-of-the-art New Clark City Sports Complex sa Tarlac City.
“They’re totally committed to help and extend financial assistance to POC to ensure the success of the SEA Games,” sabi ni secretary general Patrick Gregorio sa panayam sa kanya sa loob ng Philippine Airlines patungo sa Tagum, Davao del Norte.
“There’s total involvement indeed a big factor in ensuring the success of the SEA Games under the administration of Mr. Vargas,” wika ni Gregorio.
Ang apat na malalaking negosyanteng tinutukoy ni Gregorio ay sina Manuel V. Pangilinan, Ramon S. Ang, Dennis Uy at Lucio Tan.
Kilala sa initial MVP, si Pangilinan na may-ari ng Talk ‘N Text, Meralco at NLEX Road Warriors; si Ang ang may hawak ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots; at ang Davao-based na si Uy ang may-ari ng Phoenix Fuel Masters at chairman ng “Siklab Atleta” kapartner ang Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez. Si Tan ang may-ari ng PAL, ang flag carrier ng ‘Pinas, at ang kanyang koponan na Tanduay at Manila Beer ay dating kasapi sa PBA.
Nagpalabas ang pamahalaan ni Pres. Duterte ng P5 billion pesos para gamitin sa lahat ng gastusin sa SEA Games.
Si Gregorio ay dating nagtrabaho sa Department of Tourism, dating secretary general ng ABAP (Association of Boxing Alliances in the Philippines) na pinamumunuan ni Vargas. Hinirang siyang secretary general matapos mahalal bilang POC president.
Ang SEA Games ang una sa panunungkulan ni Vargas bilang POC president at pangalawa sa administration ni President Rodrigo Roa Duterte at pang-apat na gagawin sa ‘Pinas mula 1981 at huling nilaro noong 2005.
May 56 sports kasama ang premier sport athletics, ang paglalabanan sa 11 days competition tampok ang mga atletang galing sa 11 mga bansa kasapi sa Southeast Asia.





Comments