top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Tubig sa angat dam, nasa kritikal nang antas

V. Reyes
Apr 29, 2019
1 min read

UMABOT na sa kritikal na antas ang tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Batay sa pagmo-monitor ng PAGASA, nasa 179.97 meters above seal level na ang tubig sa Angat Dam, Linggo ng umaga.

Mas mababa na ito sa 180 meters na minimum na operating level ng dam.

Nauna nang ipinaalala ng National Water Resources Board (NWRB) sa publiko ang pagtitipid sa tubig dahil sa inaasahang pagbulusok pa ng water level ng Angat Dam.

Aabot sa 96% ng suplay ng tubig sa Metro Manila ang nagmumula sa Angat Dam, tatlong porsiyento mula sa La­guna Lake habang isang porsiyento sa deepwell.

Posibleng mabawasan pa ang alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam para sa irigasyon sa Pampanga at Bulacan simula sa Mayo 1 na kasabay ng pagsisimula ng anihan ng mga pananim.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page