Pinasok sa kuwarto | MENOR-DE-EDAD NIREYP NG PINSAN
- Levi Gonzales
- Apr 29, 2019
- 1 min read

NANGINGINIG pa sa takot ang isang menor-de-edad matapos isalaysay sa pulisya ang kanyang sinapit nang pagsamantalahan ng kanyang pinsan sa Bgy.1, Lucban, Quezon.
Ayon sa biktimang si alyas Emmy, nasa loob siya ng kanyang silid at natutulog nang pasukin ng suspek na si alyas Jake, may sapat na gulang.
Agad umano siyang tinabihan ng suspek saka ginahasa.
Matapos ang insidente, humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay ang biktima kung saan sa tulong din ng kapulisan ay agad nasakote ang suspek.





Comments