Namataan sa Pangasinan at Zambales | SOLAR HALO, INDIKASYON NG BAGYO — PAGASA

IKINAMANGHA ng ilang residente sa Luzon, partikular sa Pangasinan at Zambales ang nasaksihang sun o solar halo, kahapon ng hapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang solar halo ay indikasyon na may nalalapit na pag-ulan o pagdating ng bagyo.
“This phenomenon is usually a signal that storms are nearby, because high and thin cirrus clouds are often indicators of rain,” ayon sa PAGASA.
Ang sun o solar halo o kakaibang sinag ng araw ay nabubuo kapag ang sinag ng araw ay tumatagos sa “ice crystals” ng cirrus clouds o ang manipis na ulap sa himpapawid.
Bandang ala-1:00 ng hapon nang masaksihan ng ilang residente ang sun halo.
Namataan din ang ganitong phenomenon noong 2013 sa Zamboanga at noong Mayo ng 2014 sa Legazpi, Albay habang noong nakaraang taon naman sa Bohol.





Comments