top of page
Pokwang.jpg

Iba't ibang uri ng kulugo

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane,

Mula nang magdalantao at nakapanganak ako ay napansin kong may mga butlig na kulay itim sa aking leeg at sobrang makati ito. Sobra akong nag-aalala dahil baka mahawahan ko ang aking baby dahil palagi ko siyang karga. Ito ba ay kulugo at mayroon ba akong puwedeng ipahid para rito? — Krista

Sagot

Kulugo ang tawag sa mga maliit at magaspang na bukol sa katawan o kaya ay ”warts” sa Ingles at ang medical term nito ay kilala bilang “verruca”

Karaniwan itong magaspang at minsan ay may makikitang tulduk-tuldok na maitim.

Ang mga kulugo ay dulot ng HPV, isang uri ng virus at saanmang bahagi ng katawan ay maaaring tubuan ng kulugo

Narito ang apat na uri ng kulugo:

  1. Verruca vulgaris o hand warts — ito ay natatagpuan sa mga kamay.

  2. Verruca plantaris o foot warts — ito ay natatagpuan sa mga paa at maaaring masakit.

  3. Verruca plana o flat wart — ito ay maliit, patag, marami at matatagpuan sa mukha, leeg, mga kamay o tuhod.

  4. Verruca acuminata o genital warts — ito ay isang uri ng STD, nakukuha sa sexual contact at natatagpuan sa ari ng lalaki o babae.

Dahil ang sanhi ng kulugo ay virus, maaaring mahawa ng kulugo sa pamamagitan ng paghawak o pagdikit ng balat o sexual contact.

Tandaan, maaaring gumamit ng salicylic acid para matunaw ang kulugo at huwag itong gupitin ng nailcutter. Kung ‘yan ay kulugo, mainam kung ipakokonsulta ito sa dermatologist para mabigyan ng tamang lunas tulad ng electrocautery. Huwag matakot dahil nilalagyan naman ito ng emla, nilalagyan ito ng pampamanhid bago sunugin ang kulugo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page