Hirit ni P-Duterte sa WPS, sopla kay Chinese Pres, Xi Jinping, 'yun lang!
- BULGAR

- Apr 29, 2019
- 1 min read
P-DUTERTE, SINOPLA NI CHINESE PRES. XI JINPING SA ISYU NG WEST PHILIPPINE SEA (WPS)—Sa pagharap nina P-Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping sa China ay inungkat daw ng pangulo ng Pilipinas na dapat umanong respetuhin ng China ang desisyon ng UN-Arbitral Court na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS), pero sinopla umano ito ni Jinping at ipinamukha kay P-Duterte na hindi nila kinikilala ang desisyon ng international Court dahil China raw ang nagmamay-ari ng Spratly Island.
Kung ganu’n, fake lang pala ang sinabi ni Jinping na “genuine friend” niya si P-Duterte, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE, GALIT SA BASURA, PERO HINDI KINAKITAAN NG GALIT SA TONE-TONELADANG SHABU—Umuusok sa galit si P-Duterte sa naipasok na basura ng Canada sa bansa.
Nagbanta pa siyang “gigiyerahin” ang Canada.
Kung matindi ang galit ni P-Duterte sa basura, hindi naman siya kailanman kinakitaan ng galit sa mga tone-toneladang shabu na pumapasok sa Bureau of Customs, kataka-taka!
◘◘◘
‘DIGOY’, PROTEKTOR NG ILIGALISTA SA SAN JOSE, BATANGAS— Isang alyas "Digoy" daw ang nag bigay-proteksiyon sa raket na color games at drop balls ni “Ruth” sa San Jose, Batangas.
Kung protektor ng iligalista si “Digoy”, nangangahulugan ba ito na siya ay parak?
Dapat ipahuli ni Batangas Police Director Col. Edwin Quilates si “Digoy” upang malaman kung pulis ito o hindi kasi kung parak ‘yan, bad ang ginagawa niyan dahil doblado na ang suweldo niya tapos suma-sideline pa siya bilang protektor ng mga iligalista, buwisit!





Comments