top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit ng ilang pasahero, provincial bus ban, pahirap lang sa mamamayan!

  • Ryan B. Sison
  • Apr 29, 2019
  • 1 min read

MATATANDAANG, noon pa ipinatupad ang provincial bus ban kung saan ayon sa Met­ropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa mismong terminal na lamang puwedeng magbaba at magsakay ang mga drayber ng bus na makatutulong umano sa pagpapaluwag ng trapiko sa EDSA.

Pero, noong nakaraang Lunes lamang ito mahigpit na ipinatupad kung saan marami pa rin ang nahuling pasaway na sinasamantala ang mga lugar na walang nagbabantay na enforcer.

Gayunman, ang mga pasaherong hindi kinakailangang bumaba sa EDSA ay natuwa dahil anila, mas mabilis umano silang naka­rarating sa terminal kung saan sila bababa dahil hindi na kinakailangan pang huminto ng bus kung saan-saan na nakapagpapatipid ng oras.

Samantala, mayroon din namang mga nagreklamo, lalo na ‘yung mga malapit lang ang bababaan, pero napipilitang bumaba sa terminal na dagdag lang umano sa pamasahe at hassle dahil pahirapang makasakay.

Sa totoo lang, sa ngayon ay aminado ang MMDA na wala pang malaking epekto sa pagpapaluwag ng trapiko sa EDSA ang pag­babawal sa mga provincial bus na magba­ba-sakay ng pasahero sa highway mula nang maipatupad ito ngunit, sabi nila, mahaba-habang proseso pa ang kinakailangan para magtagumpay ito.

Kaya ang kinakailangan nating gawin ngayon ay maghintay at habaan pa ang ating pasensiya. ‘Ika nga nila, kooperasyon para sa mas magandang resulta na makapagbabawas ng hirap sa lahat, partikular na sa mga com­muter.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page