Babala ng DILG | MARUMING BARANGAY, IBUBULGAR


NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na maglalabas sila ng listahan ng mga maruruming barangay na hindi naglilinis ng kanilang nasasakupan.
Ayon sa ulat, sa susunod na buwan nakatakdang ibulgar ang nasabing listahan.
“Kung hindi acceptable ang explanation nila, we will issue administrative sanctions against them,” pahayag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing.
Kailangan umanong may lingguhang clean-up drive ang mga barangay, partikular sa Central Luzon, Calabarzon at National Capital Region (NCR) bilang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program.
Matatandaang, Enero 27 nang pormal na inilunsad ang malawakang paglilinis ng Manila Bay. (BRT)





Comments