4 sasakyan nagkarambola sa NLEX
- Jeff Tumbado
- Apr 29, 2019
- 1 min read

APAT na sasakyan ang nagkarambola sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) kahapon ng umaga.
Naganap ang insidente alas-9:48 ng umaga na kinasangkutan ng military truck, coaster, SUV at sedan sa isang overtaking lane sa Balagtas, Bulacan area.
Isang lane ang sinakop ng karambola na hindi naman nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko dahil tatlong linya pa ang nadaanan ng ibang motorista. Wala ring naitalang nasaktan habang patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.




Comments