top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Turistang Chinese, number 1 pasaway sa isla ng Boracay tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2019
2 min read

AYON kay Boracay Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) Chief Wilson Enriquez, ang mga turista mula China ang nangunguna sa paglabag sa mga ordinansa sa isla. Nagtala ng 739 violations ang mga Chinese; 277 ang naitala sa mga Koreano, samantalang, 92 naman sa mga Pilipino. Ang bilang ng mga paglabag ay mula pa noong Enero 2019. Dagdag pa ni Enriquez, kahit sinasabihan ng mga tour guide ay lumalabag pa rin ang mga ito.

Mabuti at mahigpit ang TREU, mabuti na lang at walang tinapunang opisyal ng kung anu-ano, tulad ng nagtapon ng taho sa pulis sa MRT noon. Ano kaya ang nangyari sa Chinese national na ito, pinabalik na ba? Pero, makikita na mayroon pa ring hindi sumunod sa mga batas at ordinansa dahil sa tingin nila ay hindi sila huhulihin. Hindi natin maiwasang itanong kung bakit ang mga taga-China ang pinakamaraming paglabag. Sila ba ang may mataas na bilang ng mga turistang bumibisita sa Boracay Island o pakiramdam nila ay espesyal sila sa Pilipinas?

◘◘◘

Mayroong kumalat na video kung saan mapanonood ang nangyaring pagguho ng Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga. Kitang-kita na ilang segundo lang nang magsimula ang lindol gumuho na ang gusali. Kung apat na taon pa lang ang gusali, bakit ganyan kabilis gumuho? Inihahanda na umano ng Philippine National Police (PNP) ang kasong isasampa laban sa mga mananagot sa pagguho ng Chuzon Supermarket. Hindi lang ang may-ari kundi pati ang mga lokal na opisyal na nagbigay ng mga pahintulot para itayo ang nasabing gusali at ang kontraktor na maaaring gumamit ng mga hindi de-kalidad na materyales, gayunman, iniimbestigahan na ito bago magsampa ng mga kaso.

Ang mga nakaligtas ay hiningian ng sinumpaang-salaysay. Tumigil na ang paghanap kung may nakaligtas pa sa pagguho dahil wala na raw makitang senyales na may buhay pa. Ang hahanapin na lang ay ang mga nawawala, buhay man ito o patay, samantalang, sasagutin umano ng may-ari ng supermarket ang lahat ng gastusin ng mga nakaligtas pati ng mga nasawi. Dapat lang naman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page