SAN JUAN, KAMPEON SA MPBL
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 1 min read

TINAPOS na ng San Juan ang serye sa kampeonato ng MPBL Datu Cup nang talunin ang Davao Occidental, 87-86, sa Game 5 ng kanilang national finals sa harapan ng mga nagitlang Davaoeños sa Rizal Memorial College Gym kamakalawa ng gabi.
Lumakas sa huling bahagi ng laro ang Knights at nang-iwan sa 84-77 pagdating sa huling minuto, lumagare si Jhonard Clarito ng huling six points at ibinigay sa Knights ang kauna-unahang national championship ng regional amateur basketball league ni Senator Manny Pacquiao at si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang Commissioner.
Nagmula ang masipag na forward sa De Ocampo Memorial College ng NCRAA, ang go-ahead layup ni Clarito sa huling 8 segundo ang nagpalamang sa 87-86, kung saan doon na bumuhos ang luha ng team maging ni head coach Randy Alcantara.
Noong taon 2000, si Alcantara ay isa sa key players ng Knights squad na pinagwagian ang Metropolitan Basketball Association, ang precursor ng MPBL. Matapos ang 2 dekada, nagbalik siya bilang head coach ng team at ginabayan ang San Juan sa championship.
“Hindi ko alam kung paano ko paniniwalaan ito,” ayon kay Alcantara, na pinarangalan bilang Coach of the Year. ”Grabe ‘yung nilaro ng mga players, they didn’t give up. Thank you, Lord, hindi mo kami pinabayaan. Hindi man namin nakuha sa home court, in the end, champion pa rin kami.” (MC)





Comments