PVL GRAND FANS DAY VOLLEY STARS, NASILAYAN
- MC / Alvin Olivar
- Apr 28, 2019
- 1 min read

BINIGYANG oras at importansiya ng mga pinakamalaking pangalan sa women’s volleyball ng Pilipinas sa pangunguna nina Alyssa Valdez, Michele Gumabao, Myla Pablo, Stephanie Mercado at Jovelyn Gonzaga ang kanilang mga taga-suporta sa ginanap na S+A Volleyball Grand Fans Day noong Huwebes sa TriNoma Activity Center.
Nakipagbatian, pumirma ng autograph, nagpakuha ng litrato at nakipaglaro sa fans ang mga manlalaro mula sa Creamline Cool Smashers, Petro Gazz Angels, BaliPure Purest Water Defenders, BanKo Perlas Spikers, Motolite, at Pacifictown Army Lady Troopers na malapit nang sumabak sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na magsisimula sa ABS-CBN S+A, LIGA sa Mayo 26.
Daan-daang fans ang nag-rehistro sa ktx.abs-cbn.com para sa meet and greet, samantalang ang iba ay naibida pa ang kanilang pagsayaw at paghugot kasama ng mga atletang tulad nina Dzi Gervacio, Mae Tajima, Cherry Nunag, Fhem Emnas, Jeanette Panaga, Risa Sato, Jia Morado, at Jema Galanza, na pinasigaw ang fans sa kanyang bersyon ng “Dalagang Pilipina” challenge.
Mistulang supermodel din ang mga volleyball star, kabilang sa mga rumampa sina Valdez, Pau Soriano, Pablo, Jellie Tempiatura, Nunag, Cai Baloaloa, Gervacio, Tajima, Jeannie De Los Reyes, Jem Nicole Gutierrez, Katrina Racelias at Satriani Espiritu.





Comments