top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pumalag sa pulis | 4 TULAK, TODAS

Jeff Tumbado
Apr 28, 2019
1 min read

UTAS ang apat na tulak ng iligal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Cabanatuan City, kahapon.

Nangyari ang engku­wentro sa Bgy. Bitas bago mag-alas-4:00 ng madaling-araw. Dead-on-the-spot sina Rizza Fer­nando, Paul Santos at dalawa pa nilang kasa­mahang lalaki na kasaluku­yan pang inaalam ang pag­kakakilanlan.

Batay sa report kay Po­lice Lt. Col. Ponciano Zafra, agad umanong pinaputukan ng mga suspek ang pulis na nag­panggap na buyer nang mahalatang alagad ng batas ang kanilang pinagbentahan ng shabu na nagkakahalagang P1,000.

Dito na gumanti ang mga back-up na mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at napatay ang mga suspek.

Bukod sa mga baril, na­rekober din ang apat na ma­lalaking plastic at sampung maliliit na sachets ng shabu na nagkaka­halagang halos kalahating milyong piso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page