top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pilipinas at China, share sa langis sa Spratlys Island, weh?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2019
1 min read

MAGSOSOSYO ang Pilipinas at China sa oil exploration sa Spratlys Island.

Malaking debate ‘yan!

◘◘◘

HINDI na maiiwasan ang power at water crisis.

Nanangkupooo!

◘◘◘

INAAPURA ang libreng bakuna kontra tigdas.

Dapat lang!

◘◘◘

PINAKAEMOSYUNAL na tao raw ang mga Pinoy sa buong daigdig.

Kaya pala palaging mali ang desisyon ng mga botante!

◘◘◘

SA Pilipinas, hindi ang pinakamahuhusay na lider ang nagwawagi sa eleksiyon.

Ang nanalo sa halalan ay kung sino ang may pina­kamaraming “dirty money” na nilustay sa kampanya!

◘◘◘

MAKAKAPAL ang mukha ng mga kandidato at botante.

Garapalan ang pamimili ng boto.

Garapalan din itong tinatanggap ng mga bo­tante!

◘◘◘

KAPAG ang pinakaku­walipikado ay walang salapi, imposible itong magwagi sa eleksiyon.

Ibig sabihin, wa’ ‘wenta ang demokrasya!

◘◘◘

PERO, ang lahat ay may katapusan.

Sa U.S., tinalo ni Do­nald Trump ang mga puli­tikong bulok!

◘◘◘

SA Ukraine, nagwagi ang komedyante laban sa beteranong pulitiko.

May protest-vote na tinatawag at ‘yan ay napakinabangan mismo ni P-Digong!

◘◘◘

SA totoo lang, dapat lang tanggapin ng mga botante ang salapi na ibinabayad ng mga pusakal na pulitiko.

Hindi naman malalaman o mabibisto ang pangalan ng kandidato na inyong ibinoto ngayong Mayo.

Pagkakataon na nin­yong “lokohin” ang mga makakapal ang mukha!

◘◘◘

INUTIL ang Comelec na mapigil ang vote-buying.

Pinararami ang mga “watcher” at sila ang bini­bigyan ng bayad.

Tipong lehitimo ang vote-buying sa bansa!

◘◘◘

Sabagay, may pagkaka­taon na hindi rin tumatalab ang salapi.

Isang eksampol dito ang pagwawagi ni P-Di­gong!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page