top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

P-Duterte, nag-astang “Mar Roxas” sa mga taga-Marawi City, linyahang “bahala kayo sa buhay n‘yo!”

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2019
2 min read

P-DUTERTE, ALA-“MAR ROXAS” NA RIN — Nag-ala-“Mar Roxas” si P-Duterte. Noong matapos ang hagupit ng Bagyong Yolanda sa Leyte ay humingi ng dagliang-tulong ang noon ay alkalde ng Tacloban City na si ex-Mayor Alfred Romualdez kay ex-DILG Sec. Mar Roxas, pero ang naging tugon nito, “you’re a Romualdez and the president is an Aqui­no, bahala kayo sa buhay n’yo.”

Kaya natin nasabing nag-ala-“Mar Roxas” si P-Duterte kasi ang sabi ni P-Du­terte, wala raw siyang planong gastu­san ang nawasak na bahay at gusali sa Ma­rawi City dulot ng pambobomba ng militar sa mga Maute-ISIS na kumubkob sa lungsod dahil negosyante at sangkot naman daw sa iligal na droga ang kara­mihan sa Maranao na kumbaga ay parang sinabihan din niya ang mga taga-Marawi nang “bahala na kayo sa buhay ninyo”, boom!

◘◘◘

PAGBABA NG INFLATION RATE, PROPAGANDA LANG!—Bumaba na raw ang inflation rate o presyo ng mga bilihin sa bansa, pero sa mga pamilihan, wala pa rin pagbabago ang mataas na presyo at pati ang dating presyo ng NFA rice na P27-P32 ay nawala na rin sa merkado. Nalaman lang ng publiko na propaganda lang na bumaba ang inflation rate kasi ang nagsabi pala niyan ay appointee ni P-Duterte na bagong boss sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na si ex-Budget Sec. Benjamin Diokno, buwisit!

◘◘◘

KUNG TOTOONG IPINAPAPATAY NI P-DUTERTE ANG MAG-AMANG GARIN, BAD ‘YAN—Ibinulgar ng mag-amang Mayor Oscar Garin ng Guimbal, Iloilo at Iloilo Rep. Richard Garin na may nagbigay daw sa kanila ng ang im­pormasyong may utos daw si P-Duterte sa kapuli­san na patayin sila. Kung totoo ito, bad ang utos na ‘yan ni P-Duterte kung may pagkakasala sa batas ang mag-amang Garin, dapat daanin ‘yan sa rule of law, kasuhan ang mag-ama at hayaan ang korte na magdesisyon kung ano ang ihahatol sa kanila at hindi basta na lang ipapapatay, period!

◘◘◘

‘BOY VALENZUELA’, BALIK-RA­KET SA BUREAU OF CUSTOMS—Ang sangkot sa multi-billion peso missing container vans noong panahon ng Aquino gov’t. na si “Boy Valenzuela” ay balik-smuggling operation na naman daw sa Bureau of Customs. Dapat sa “Boy Valenzuela” na ito, nasa kulungan na, pero ang nangyayari, nakapanraraket na naman sa Bureau of Customs, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page