Mister tinarakan ng utol
- M. Moratillo
- Apr 28, 2019
- 1 min read

SUGATAN ang isang karpintero matapos saksakin ng kanyang nakababatang kapatid sa loob ng barracks ng isang pagamutan sa San Juan City kahapon ng madaling-araw.
Ginagamot sa San Juan Medical Center ang biktimang si Edmund Fabito, 38, stay-in carpenter habang naaresto naman ng mga awtoridad ang kanyang kapatid na si Brando Fampula y Fabito, 30, stay-in construction worker din.
Sa ulat ng San Juan City Police, ala-1:30 ng madaling-araw nang magtalo ang magkapatid sa loob ng kanilang barracks sa San Juan Medical Center Compound sa Bgy. Balong Bato hanggang sa bigla na lang umanong sinaksak ng suspek ang kanyang kuya sa tiyan bago tumakas. Isinugod naman ang biktima ng kanilang mga kasamahan sa emergency room upang malunasan.
Naaresto ang suspek ngunit, lumagda ng waiver ang biktima na hindi na magsasampa ng kaso laban sa kanyang kapatid.





Comments