KATE DIAZ, SILVER MEDAL SA ARAFURA WEIGHTLIFTING
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 1 min read

AGAD na nasungkit ni Kate Diaz ang silver medal sa weightlifting para sa unang medalya ng Pilipinas sa 2019 Arafura Games na ginaganap sa Darwin Convention Centre sa Darwin, Australia.
Naiuwi naman ni Shi Yue-Shan ng Chinese Taipei ang gintong medalya sa women’s 45 kilogram class. Nabuhat ng 15-anyos na si Diaz ang 50-kgs sa snatch at 65 kilograms sa clean and jerk para sa kabuuang 115 kilograms.
Nagkampeon naman si Shi nang magawang buhatin ang 53 kgs. sa snatch at 67 kilograms sa clean and jerk para sa kabuuang 120 kg.
Sa kanyang pangatlong pagsubok sa clean and jerk, hindi nakumpleto ni Diaz na maiangat ang 70 kilograms. Napaiyak si Diaz sa kanyang unang pagsagupa sa international tournament pero nangako itong babawi sa mga sasabakang kompetisyon sa hinaharap. (MC)





Comments