DURANT SINIBAK ANG CLIPPERS SA GAME 6
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 1 min read

PINAKAMARAMING iskor ang pinakawalan ni Kevin Durant sa first half ng NBA playoff game, upang pangunahan ang kampanya ng bisitang Golden State Warriors sa isang series-clinching 129-110 win laban sa Los Angeles Clippers sa Game 6 ng Western Conference first-round matchup kahapon.
Humalibas si Durant ng 38 sa kabuuang playoff career-high 50 points sa first half, tinapatan si Charles Barkley na umiskor ng 38 sa kabuuang 56 puntos sa first half sa nakaraang 25 taon nang matulungan ang Phoenix Suns na tapusin ang first-round sweep ng Warriors.
Umabanse ang Warriors upang makaharap ang Houston Rockets simula bukas sa Oakland. Nagpunta na ang Houston sa Bay Area kahapon para sa naturang matchup. May 16 puntos si Draymond Green, 14 rebounds at 10 assists, umiskor si Stephen Curry ng 24 puntos habang si Andre Iguodala ay may 15 para sa Warriors na nagwagi ng tatlong road playoff game sa parehong serye sa unang beses sa kasaysayan ng prangkisa.
Napigilan ng Golden State ang kontensiyon ng mga Los Angeles reserves na sina Lou Williams at Montrezl Harrell na nananalasa na sa mga iskor ng 20 puntos. Umiskor si Williams ng 8 puntos at si Harrell ay nalimitahan sa 10. May 29 puntos si Danilo Gallinari, may 22 si Shai Gilgeous-Alexander habang may 11 si Patrick Beverley, 14 rebounds at 7 assists para sa Los Angeles.(ATD/MC)





Comments