Dahil patapos na ang month of April, mga beshy! 5 FACTS TUNGKOL SA BUWAN NG MAYO

NAPAKABILIS ng panahon, akalain mo ‘yun malapit ng matapos ang Abril. Oh, tapusin na rin ninyo ang pagiging manloloko, ehem! He-he-he! Gayunman, bago pa sumapit ang Mayo, narito ang 5 facts tungkol sa buwan na ito:
1. BAD LUCK MONTH TO GET MARRIED. Sa mga beshy natin diyan na binabalak magpakasal sa Mayo, naku, mag-isip-isip muna kayo dahil ayon sa mga eksperto, ikinokonsidera ang buwan na ito na ‘bad luck’ para sa seremonya ng pagpapakasal. Sa katunayan ayon sa isang tula, “Marry in May and you’ll rue the day”. Hala!
2. SMILE MONTH. Knows ba ninyo na sa United Kingdom ay ipinagdiriwang ang May bilang smile month? Kung saan sa buwang ito ay ipino-promote ang pagkakaroon ng good oral health. Nice!
3. TRAVEL. Kung ikaw ay isinilang ng May, for sure, mahilig kang mag-travel, ito ay dahil masyado raw kayong curious sa iba’t ibang kultura at tao, gayundin, gustung-gusto ninyong makakilala ng mga bagong kaibigan.
4. MAIA. Ang pangalang “May” ay nagmula kay Maia, ang greek goddess of fertility, gayundin siya ay mahiyain, kaya nakatira siya sa kuweba ng Mount Kyllene sa Arkadia. Woah!
5. EMERALD. Ito ang birthstone ng mga taong may birth date ng May kung saan ang batong ito ay simbolo ng love at success, kaya ayon sa mga eksperto, suwerte raw umano sa love life at career ang mga ipinanganak ng May. Ayiiee!
Oh, ayan, kaunting tulog na lang May na!
Kaya habang hindi pa natatapos ang taon, gawin na ninyo ang mga bagay na gusto ninyong magawa, wala dapat tayong sinasayang na oras.
Gets n’yo?





Comments