Babala ng experts... MGA TAONG HINDI NAG-AALMUSAL, PRONE SA HEART ATTACK!
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 1 min read

MARAHIL, marami sa atin ang nakaliligtaan ng mag-almusal dahil late nagising o kaya ay dehins talaga sanay. Pero, alam ba ninyo na ang mga middle-aged adult na hindi nag-aalmusal ay prone sa pagkakaroon ng clogged heart arteries? Naku!
Ayon sa mga eksperto, ang mga middle-aged adult umano na nakasanayan ng hindi nag-aalmusal ay malaki ang tsansa na magkaroon ng clogged heart arteries kumpara sa mga indibidwal na kumakain nito.
Anila, ang mga taong nag-aalmusal ay nagiging malusog ang puso dahil mas kaunting ‘plaques’ ang napupunta sa kanilang arteries.
Ang ‘plaques’ ay ang deposits of fat, calcium at iba pang substances na nabi-build sa arteries na resulta kung bakit ito tumitigas kung saan tinatawag itong ‘atherosclerosis’.
Gayunman, ang pagkakaroon ng ‘atherosclerosis’ ay maaaring humantong sa heart attack, strokes at iba pang kumplikasyon na may kaugnayan sa puso.
Samantala, sa bagong pag-aaral, pinatunayan ni Senior Reseacher Jose Penalvo na mula sa University’s Friedman School of Nutrition Science and Policy in Boston na ang pagsasawalambahala sa pag-aalmusal ay hindi nakagaganda sa kalusugan.
Dagdag pa rito, totoong mas maraming ‘plaques’ ang nakukuha kapag nakaligtaan ang pagkain nito.
Kaya ang payo ng mga eksperto, piliting gumising ng maaga para maabutan pa ang almusal sa lamesa, iwasan na rin ang pagpupuyat at pagkain ng junk foods na may masamang epekto sa ating kalusugan.
Kaya sa mga beshy natin diyan na tanghali na kung magising, make sure na uugaliin pa rin ninyong mag-brunch o kumbinasyon ng breakfast at lunch nang sa gayun ay maagapan ninyo ang pagkakaroon ng iba’t ibang klase ng sakit.
Copy?




Comments