top of page
Pokwang.jpg

UST TIGERS, SINAKMAL ANG ATENEO, DLSU, MATATAG

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2019
1 min read

PINUTOL ng University of Santo Tomas ang naitalang winning run ng Ateneo de Manila University matapos nitong padapain ang huli, 2-1, kahapon sa FEU Diliman pitch.Hindi na nila hawak sa kanilang mga kamay ang kanilang tsansa bago ang laban dahil sa naging kabiguan nila sa Adamson University, ginawa ng UST Golden Booters ang lahat para mapanatili ang pag-asang umabot sa susunod na round.

Bunga ng panalo, mayroon na ngayong 20 puntos ang UST kapantay ng University of the Philippines habang nanatili sa ikalawang puwesto ang Blue Eagles taglay ang 23 puntos. “Sabi nga last time, napahiya kami sa Ateneo, ‘yung 5-0 (first round loss).

So ‘yun lang ‘yung motivation kanina sa players na kung puwede bumawi naman tayo kasi iyan yu’ng ticket n’yo sa top four in case may mangyari sa standings,” pahayag ni UST coach Marjo Allado.Naunang naka-goal ang Golden Booters, dalawang minuto bago ang halftime break sa pamamagitan ni Glen Ramos bago tumabla ang Ateneo sa 73rd minute sa pamamagitan ni skipper Julian Roxas.

Sa isa pang laban, tumatag ang De La Salle University sa ikatlong posisyon matapos ang 3-1, panalo kontra National University. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page