Taas-presyo sa gas
- Gina Pleñago
- Apr 27, 2019
- 1 min read

MAY dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa abiso ng kumpanyang Jetti, base sa resulta ng trading mula Lunes hanggang Huwebes, tataas ang halaga ng produktong petrolyo.
Sa pagtaya, maaaring tumaas ng 75 sentimos hanggang 85 sentimos bawat litro.
Habang 70 sentimos hanggang 80 sentimos naman ang maaaring madagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Ang eksaktong halaga ng dagdag-presyo ay malalaman base sa magiging resulta ng trading.





Comments