top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Surigao del Norte, niyanig ng magkakasunod na lindol

V. Reyes
Apr 27, 2019
1 min read

NAKARANAS ng sunud-sunod at malalakas na lindol ang ilang lugar sa bansa, kahapon.

Pinakamalakas na naitala ang Magnitude 5.5 sa General Luna, Surigao del Norte, ala-1:26 ng hapon.

Naramdaman ang Intensity II sa Surigao City.

Kung pagbabatayan ang instrumento ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang Intensity II sa Gingoog City at Intensity 1 sa Surigao City.

May lalim na 11 kilometro ang nasabing lindol at sinundan pa ng maraming aftershocks ngunit, kabilang lamang sa nairekord na malakas ang Magnitude 5.0, alas-2:04 ng hapon.

Bago ito, na-monitor ang Magnitude 4.4 sa San Nicolas, Ilocos Norte alas-3:00 ng madaling-araw. Nasa 10 kilometro ang lalim ng sentro ng lindol.

Naramdaman ang Intensity IV sa San Nicolas, Ilocos Norte habang Intensitty III sa Sarrat, Ilocos Norte.

Batay naman sa instrumento ng ahensiya, naitala ang Intensity IV sa Sinait, Ilocos Sur; Intensity III sa Pasuquin at Laoag City sa Ilocos Norte at Intensity II sa Vigan City, Ilocos Sur.

Samantala, alas-10:44 ng umaga nang maitala naman ang Magnitude 4.0 sa Albuera, Leyte na may lalim na dalawang kilometro. Naramdaman ang Intensity III sa Ormoc City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page