top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-Duterte, inuuto lang daw ni Chinese Pres. Xi Jinping, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2019
2 min read

46% PINOY, HINDI KUNTENTO SA PERFORMANCE NI GMA BILANG HOUSE SPEAKER—Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 46% ng mga Pinoy ang hindi kuntento sa trabaho ni House Speaker Gloria Macapa­gal-Arroyo.

Talagang maraming badtrip kay HSGMA kasi mula nang manung­ku­lan ito bilang House Speaker, eh, ang inatupag nito ay kung paano madarag­da­gan ang pork barrel ng mga kaalya­do niyang kongresista, pwe!

◘◘◘

P-DUTERTE, ‘INUUTO’ LANG NI JINPING? — Para kay Chinese Pres. Xi Jinping, “genuine friend” daw niya si P-Duterte.

Ang tanong: Hindi kaya isang uri ng pang-uuto kay P-Duterte ang sinabing ‘yan ni Jinping?

Kung totoong itinuturing niyang “genuine friend” si P-Duterte, dapat ipag-utos niya sa Chinese Coast Guard na lisanin na ang West Philippine Sea (WPS), tanggalin ang kanilang military center command sa Spratlys Island at hayaang makapangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas ang mga mangi­ngisdang Pinoy, period!

◘◘◘

PEDERALISMO BAKA IATRAS NI P-DUTERTE DAHIL ANTI-FE­DERALISM PALA SI MAYOR SARA — Kung pabor si P-Duterte sa Pederalismo, tutol naman dito ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa isyung ito, malamang, iatras na ni P-Duterte ang isinusulong niyang Pederalismo kasi ilang beses na rin niyang sinabi na sa lahat ng kanyang mga anak, kay Mayor Sara lang daw siya “takot”.

Patunay na pagdating kay Mayor Sara ay atras si P-Duterte kasi wala siyang nagawa noon nang ipasibak ng Presidential Daughter sa Kongreso si Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker at ang ipinalit ay si GMA, boom!

◘◘◘

MGA KUBRADOR NG ‘MA­SIAO’ AT ‘SUERTES’ SA CEBU, MGA TULAK DIN DAW NG ILI­GAL NA DROGA — Ang mga kubra­dor daw ng “masiao” at “suertes” ni “Wacky” sa Cebu ay mga tulad din daw ng shabu.

Kung totoo ito, aba, masyado na palang talamak ang illegal vices sa la­lawigang ito kasi laganap na ang illegal gambling, laganap pa ang bentahan ng iligal na droga.

Kailan kaya gagawa ng aksiyon ang mga awtoridad sa Cebu para ipa-“tok­hang” si “Wacky”, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page