Makasama lang ang BF sa b-day… KATHRYN, INIWAN ANG SHOOTING NILA NI ALDEN SA HK PARA KAY DANIEL
- BULGAR

- Apr 27, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

BUMAWI ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang partner na si Daniel Padilla nang mag-celebrate ito ng 24th birthday noong Huwebes nang gabi.
Ang alam kasi ng aktor ay nasa Hong Kong pa si Kathryn dahil nagsu-shooting pa ito ng pelikulang Hello, Love, Goodbye kung saan leading man niya sa unang pagkakataon ang Kapuso actor na si Alden Richards. At sinorpresa pa nga ni DJ si Kath at binisita sa Hong Kong noong Biyernes Santo (Abril 19), ‘di ba?
Pero ang hindi alam ni Daniel, umuwi ng Pilipinas si Kathryn para dumalo sa salubong birthday party niya na ginanap sa Manila House Club sa BGC, Taguig.
Base sa sweet video ng dalawa na kumakalat sa socmed, makikitang nagtatago pa si Kathryn at binati at ginulat ng yakap si Daniel.
Dinaluhan ng mga family members, close friends at ABS-CBN executives ang birthday salubong ni Daniel.
Present din sa party ang favorite band ni Daniel na Orange and Lemons kung saan nakipag-jamming pa si Kathryn at nag-offer ng kanta para sa kanyang BF.





Comments