top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kelot dedbol sa pick- up

Pabs Hernandez III
Apr 27, 2019
1 min read

CAPIZ—Isang lalaki ang namatay at sugatan naman ang kasama nito nang aksidente silang mabangga ng pick-up, kamakalawa sa Bgy. Poblacion Ilaya, Dumarao sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si Jerfel Pagayon, samantalang, ang sugatan ay si Cristituto Bedia, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, naglalakad sa gilid ng kalsada sina Pagayon at Bedia nang mabangga sila ng pick-up na minamaneho ng hindi pa kilalang driver.

Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Pagayon, samantalang, pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang driver ng pick-up.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page