Kapatid sinaklolohan | 15-ANYOS NALUNOD, DEDO
- Jeff Tumbado
- Apr 27, 2019
- 1 min read

ISANG 15-anyos na dalagita ang nasawi nang malunod ito habang tinatangkang sagipin ang kanyang nakababatang kapatid na nalulunod habang naliligo sa ilog sa Nabua, Camarines Sur.
Hindi na nagawang masagip ang sarili sa pagkakalunod na si Cyrene Soriano kung saan ay narekober ang kanyang labi ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente.
Lumalabas sa report na bago ang pangyayari ay namasyal umano si Cyrene kasama ang nakababatang kapatid at mga kaibigan sa ilog na hindi kalayuan sa kanilang bahay.
Naisalba pa umano ang buhay ng kanyang kapatid at isa pa nilang kasama mula sa pagkalunod subalit, sinawimpalad naman itong hindi nakaahon sa ilog.
Una umanong tinangay ang kapatid ni Cyrene at kaibigan ng malakas na agos ng ilog at napadako sa may kalalimang bahagi nito.
Dinala pa sa pinakamalapit na ospital si Cyrene pero, idineklarang itong dead-on-arrival.





Comments