Angat dam malapit na sa kritikal na lebel

PABABA nang pababa ang antas ng tubig sa Angat Dam na inaasahang aabot sa kritikal na water level ngayong weekend.
Umabot na kahapon sa 180.73 meters ang lebel ng tubig sa dam, malapit na sa low level na 180 meters kahapon ng umaga.
Ayon kay Sevillo David, Jr., direktor ng National Water Resources Board (NWRB), posible ring bumaba hanggang 173 meters ang tubig sa Angat Dam sa buwan ng Mayo.
Gayunman, nilinaw ni David na ang critical level ay para lang sa irigasyon at hindi sa tubig na ginagamit sa mga kabahayan sa Metro Manila.
Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dams.
Nananatili naman sa 68.48 meters ang taas ng tubig sa La Mesa Dam habang ang Ipo Dam ay mayroong water level na 100.99 meters. Tumaas naman ang tubig sa Binga at Magat Dams.





Comments