top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘PINAS, TUMERSERA SA ASIAN YOUTH TENPIN

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Apr 27, 2019
  • 1 min read

NAGPATULOY ang pagpaparamdam ng puwersa ng Pilipinas sa international stage ng tenpin bowling matapos itong pumangatlo sa overall medal tally nang ibaba ang telon ng 20th Asian Youth Tenpin Bowling Championship sa Me­galanes, Sarawak, Batu Kawa, Kuching, Malaysia.

Kinasangkapan ng bansa ang tatag ng pulso ng mga binatilyong bowlers na sina Merwin Tan, Kenzo Umali, Kayle Abad at Patrick Nuqui para tumapos sa kartadang isang ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa kom­petisyon na umakit ng malulupit na kinatawan ng Australia, Bahrain, Taiwan, Hong Kong, Korea, Macau, Singapore, Thailand at ang punong-abalang Malaysia.

Nahakot ng 19-anyos na si Tan ang ginto sa boys’ singles at ang tanso sa boys’ all events. Nakipagsanib-puwersa rin siya kina Umali, Abad at Nuqui para sa bridesmaid finish sa team-of-4 na bakbakan.

Overall champion ang Singapore dahil sa nahakot na anim na gold at tatlong bronze medals habang malayong pangalawa ang Malaysia sa bitbit nitong 2-4-2 na rekord. Sa likod ng pumangatlong Pilipinas ay ang Macau (1-0-0), South Korea (0-4-4) at Australia (0-1-0). Wala sa medal board ang Bahrain, Thailand at Hongkong.

Ito ay magandang follow-up sa dalawang tansong medalyang naibulsa ng Pinay pintopplers mula sa 2019 World Bowling Junior Championship na ginanap sa France kamakailan.

Sa naturang paligsahan pumangatlo sa girls singles’ si Grace Gella, 18-anyos, habang tumersera ang 16-anyos na si Norel Nuevo sa bakbakan sa girls masters ng paligsahang inorganisa ng World Bow­ling, Maximin Bowling Plaza at Tenpin Bowling Association of France.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page