top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sey mo, Tsong Joey? WINWYN, GAME BALIKAN SI MARK

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2019
1 min read

HINDI naman tuluyang isinasara ni Winwyn Marquez ang posibilidad na magkabalikan sila ni Mark Herras. That is, kapag pareho na nilang nagawa ang mga bagay na gusto nilang abutin sa kanilang career, ganu’n din sa aspetong pinansiyal.

Aware naman si Winwyn na hindi lang pag-ibig ang dapat pairalin kung gusto na niyang mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya. Kailangang pareho na silang matatag (financially and emotionally) kung sino man ang lalaking pipiliin niyang maging life partner.

Maayos naman silang naghiwa­lay ni Mark, kaya sakaling muling manli­gaw-manuyo ang ex-BF niya ay walang problema.

Basta sa ngayon, sa kani-kanilang career nakatutok ang panahon nila ni Mark. At happy si Winwyn na makitang busy ang ex-BF sa bago nitong serye sa GMA-7, ang Bihag with Max Collins and Dion Ignacio.

Si Winwyn naman ay may upcoming show, ang Dahil sa Pag-Ibig ka­sama sina Sanya Lopez, Benjamin Alves at Pancho Magno. Medyo sexy and dar­ing ang role rito ni Winwyn. Ito ay mula sa direksiyon ni Ricky Davao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page