top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PRINCESS EOWYN, PATOK SA WTA

Ding Taboy
Apr 26, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

PITONG karera ang nakakasa ngayon bago ang pag-alagwa ng Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Bibitawan ang Group Race, Condition Race Merged at Condition Race sa pitong karera na aalagwa sa ganap na 6:30 p.m. Unang bibitiwan ang Group (10) at nakalalamang ang Facing Dixie sa mga makakalaban na Bowties and Charms, Raxa Bago at Hiconicus sa Race 1 na panimula ng Winner Take All (WTA). Sa Race 2, napapalooban ng Pick 6 at nakalalamang ang The Barrister habang Stravinsky ang makakalaban sa Condition Race Merged (10).

Magkakalaban ang mga kalahok na La Corona, Modern Girl at Smart Tyler sa pag-alagwa ng Condition Race (20) sa Race 3 kasabay ng pagsisimula ng Pick 5. Ipinapatok ang Princess Eowyn at makakalaban ang couple entry na Head­mastership at Eugene Onegin, nagbabanta rin ang Cabo Negro sa pagsisimula nang Pick 4 sa Race 4.

Sa Race 5, ipinapatok ang I Love Jane, habang ang High Quality ang makakalabang mahigpit. Mahigpit na magka­kalaban ang mga kalahok na Dixie Storm, Lady Pio at Artikulo Uno sa Group Race (11) sa Race 6.

Sa Race 7 magsisilbing parating ang Gensan Special, ang couple entry na Go Abbey Go, Ok Mister Bond at Primero de Marzo sa Condition Race (22). Tip ni Mang Ding: Race 1- Facing Dixie (4) Bowties and Charms (1) Raxa Bago (5) Race 2-The Barrister (5) Stravinsky (6) Race 3- La Corona (2) Smart Tyler (6) Modern Girl (4) Race 4- Princess Eowyn (5) Entry No.1 Race 5- I Love Jane (6) High Quality (2) Race 6 Dixie Storm (5) Lady Pio (6) Artikulo Uno (4) Race 7- GenSan Special (5) Entry No.1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page