top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PASIG AT BALANGA CHOOKS, SASABAK SA FIBA 3X3 CHINA

A. Servinio
Apr 26, 2019
1 min read

NAKAUWI na galing sa Doha, Qatar ang mga pambato ng Pilipinas na Pasig Chooks at Balanga Chooks na nagtapos sa ika-lima at ika-anim na puwesto sa katatapos na FIBA 3X3 World Tour. Nagbunga ang sakripisyo ng mga manlalaro na piniling ipaglaban at itaas ang bandila ng Pilipinas sa ibayong dagat kahit kasabay nito ang taunang Semana Santa.

“Iba talaga ang suporta ng ating mga OFW doon sa Qatar, sa kanila kami kumuha ng lakas,” wika ni Alvin Pasaol ng Balanga. Dagdag ng kanyang kakampi at import na si Travis Franklin na nagmukhang sa Pilipinas ginaganap ang laro at hindi sa Katara Amphitheatre. Dahil sa nakagugulat na ipinakita ng mga Pinoy, umangat sa 31 mula sa 49 sa simula ng taon ang ranggo ng Pilipinas sa FIBA 3X3 at tumaas din ang personal na ranggo nina Pasaol at mga kakamping sina Karl Dehesa, Leonard Santillan, Joshua Munzon at Taylor Statham ng Pasig.

Samantala, sa 26th NCRAA Men’s Volleyball noong Abril 16 sa NCBA-Fairview na inilathala noong Abril 18 dito sa BULGAR, wagi ang Asian Institute of Maritime Studies laban sa Philippine Merchant Marine School sa limang set, 25-19, 25-22, 16-25, 26-28 at 17-15.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page