top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para iwas-trahedya, itaas ang kalidad ng konstruksiyon sa bansa!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2019
  • 2 min read

MALAGIM ang sinapit ng mga biktima sa pagguho ng supermarket sa Porac, Pampanga.

Ito ay bunga ng “pagtitipid” sa konstruksiyon ng gusali!

◘◘◘

KAPAG “straight contract”, titipirin ng kontraktor ang materyales at gastos sa labor.

Ang resulta nito ay “ampaw” at delikadong gusali!

◘◘◘

KAPAG bumagsak ang construction industry bunga ng palpak na mga kontraktor, kaawa-awa ang milyun-milyong obrero na nabubuhay sa pagtatayo ng mga gusali.

Itaas ang kalidad ng konstruksiyon sa bansa!

◘◘◘

Dapat maiangat ang industriya ng konstruksiyon.

Ito ang mag-aangat sa kalidad ng mga gusali at magliligtas sa mamamayan na biktima ng lindol at kalamidad!

◘◘◘

KAPAG nagkaroon ng maayos na konstruksiyon, hindi mawawalan ng trabaho ang mga obrero at aangat ang kanilang buhay tulad sa iba pang sector ng lipunan.

Magkakaroon muli ng oportunidad ang mga obrero na makapagtrabaho sa ibang bansa kapag napagbuti ang kalidad ng konstruksiyon ng mga gusali!

◘◘◘

KILALA at hinahangaan sa buong mundo ang mga obrerong Pinoy dahil sila ang nagpasigla sa industriya ng konstruksiyon sa Gitnang-Silangan at maging sa America.

Ayon kay Momo, hindi tamad ang mga obrerong Pinoy, bagkus, sila ang modernong bayani sa ating henerasyon!

◘◘◘

KAILANGANG mapalayas sa Pilipinas ang mga obrerong Tsino at dapat bigyang-prayoridad ang mga obrerong Pinoy sa pagpapagawa ng mga gusali.

Gayunman, kailangang mahasa ang mga obrerong Pinoy sa paggamit ng mga sopistikado at modernong construction equipment at gadget!

◘◘◘

KAILANGAN ang pagsasanay at paghahasa ng mga obrerong Pinoy upang maging dalubhasa sa iba’t ibang larangan ng konstruksiyon.

Kailangang maging dalubhasa sila sa pagse­semento, karpinteria, pagtutubero, paggawa ng cabinet, furniture at iba pang larangan!

◘◘◘

SA ngayon, hindi natututukan ang pagpapahusay sa kakayahan ng ordinaryong obrero kaya napag-iiwanan sila ng mga Tsino sa kakayahan sa modernong sistema sa imprastruktura.

Isinusulong ang pagtatayo ng Regional Construction Training Center na magbibigay ng kalidad sa kakayahan ng mga obrerong Pinoy!

◘◘◘

MAKATUTULONG ang mahuhusay na construction workers upang maging ligtas ang mga gusali sa panahon ng malalakas na paglindol at unos.

Kailangan nating mapagbuti ang construction industry sa bansa dahil ‘yan mismo ang gulugod ng malusod na ekonomiya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page