Nasa drug list ni P-Duterte | KELOT NIRATRAT, UTAS

DEDO ang sinasabing high value drug suspect matapos barilin ng hindi pa nakikilalang kalalakihan sa Bgy. Kumintang Ilaya, Batangas City.
Pasado alas-11:00 ng umaga habang nakatayo sa waiting shed si Edmar Almarez, nang biglang sumulpot ang mga suspek.
Agad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago nagsitakas.
Sinasabing isa rin ito sa mga nasa listahan ni Pangulong Duterte bilang numero unong high value target pagdating sa iligal na droga sa Batangas.





Comments