Mula raw nu'ng 18-anyos pa lang… ISKO, KUMANTANG BAKLA ANG KATABI SA PAGGISING


MASAYA si former Manila Vice-Mayor at former Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary for Luzon Affairs Isko Moreno na suportado rin ng LGBTQ (Lesbians, Gays, Bisexual, Transgender, Queer) community ang kanyang kandidatura bilang mayor ng Manila.
“They said they are for me because of a statement I made and I’m happy and thank you, and I hope they continue to support us,” pahayag ni Isko sa presscon nila ng running mate na si incumbent Manila Vice-Mayor Honey Lacuna.
Ayon pa kay Isko, disi-otso anyos pa lang siya ay bading na ang mga kasama niya.
“Paggising ko, bakla na katabi ko. Pagkagising ko, tomboy na kasama ko. ‘Pag pupunta na ako sa trabaho, bakla’t tomboy din (ang kasama ko). I mean, namuhay ako nang… (sila ang mga kasama ko),” sey pa niya.
Maaaring iba raw ang preference sa buhay ng LGBTQ, “But they are just ordinary Juan dela Cruz, so I want them to feel that there is a city wherein they can express themselves,” he said.
Aniya ay nagbigay na siya ng pangako sa mga becki na kapag nanalo siyang mayor ay magkakaroon daw for the first time ang Maynila ng Gay Pride Parade.
“If New York can do it, if San Francisco can do it, if Amsterdam can do it, because I saw it, I was there in Amsterdam during the peace talk when they held a pride parade, Manila will hold its first National Gay Pride Parade. It’s a public statement,” he said.
Pangako raw ito at tutuparin niya ito kahit ano ang mangyari. Puwede raw siyang balikan kung hindi niya ito tutuparin.
Pati raw ang dating Manila Film Festival ay puwedeng i-revive, pati na ang Manila Indie Film Festival.





Comments