Magsasaka todas sa 3 kaalitan
CAGAYAN—Isang magsasaka ang namatay nang pagtulungang tagain ng tatlo niyang kaalitan, kamakalawa sa Bgy. Agaman Norte, Baggao sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Abog Agudes, samantalang, ang mga suspek ay ang magkakamag-anak na sina Ranie, Mario at Arnulfo, pawang may apelyidong Asiong at mga residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo si Agudes at ang magkakamag-anak na Asiong na humantong upang pagtulungang tagain ng mga suspek ang biktima.
Namatay sa pinangyarihan ng krimen si Agudes, samantalang, kaagad namang nadakip ng pulisya ang mga suspek.





Comments