6 yrs. old dedbol sa kotse

PATAY ang anim na taong gulang na lalaki matapos mabangga ng kotse habang naglalaro sa San Mateo, Rizal kamakalawa.
Isinugod sa Ynares Hospital ang biktimang si Lebron James Gurang, 6, ngunit, namatay din dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.
Arestado naman ang suspek na si Suzie de Jesus, na mahaharap sa kaukulang kaso.
Sa ulat ng San Mateo Police, alas-12:00 ng tanghali, sakay ng kanyang Mitsubishi Mirage G4 GLS 1 Sedan ang suspek at pauwi na sana nang pagsapit sa Bgy. Maly ay aksidente nitong nabangga ang biktima.





Comments