4 Abu Sayyaf todas sa militar
- Jeff Tumbado
- Apr 26, 2019
- 1 min read

UTAS ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa panibagong engkuwentro na naganap sa Basilan.
Ayon kay Brigadier General Fernando Reyes, nangyari ang sagupaan sa Sitio Gipitan, Bgy. Bohe Pahu, Ungkaya Pukan.
Nagkaroon umano ng mahigit isang oras na engkuwentro at nang humupa ay nakita na ang bangkay ng apat na bandido at kanilang mga armas, mga bala at pampasabog.
Isinagawa ng mga tauhan ng 3rd Scout Ranger Battalion, 64th at 18th Infantry Battalions ang operasyon laban sa mga bandido katuwang ang air at artillery assault units.
Target ng militar ang mga tagasunod ni Furuji Indama, ang isa sa mga natitirang lider ng teroristang grupo na kumikilos sa Basilan.





Comments