top of page

Sa mga dehins pa nagpapaawat sa pagbabakasyon, read n‘yo ‘to! TIPS PARA HINDI MAINIP SA AIRPORT, ALA

  • Justine Daguno
  • Apr 25, 2019
  • 2 min read

ISA sa pinaka-boring, pero hindi maiiwasang parte ng “bakasyon” ay ang matagal o mahabang oras ng paghihin­tay sa ating masasakyan, par­tikular sa airport.

Bagama’t, ang “world-class airports” ay nakapagpo-provide ng “distraction” sa mga pasahero, nakalulungkot dahil hindi lahat ng airports ay pare-pareho.

Kaya bago pa tayo tuluyang ma-badtrip, narito ang ilang paraan na puwede nating gawin upang hindi mainip sa paghihintay ng flight sa airport:

1. EAT. ‘Ika nga nila, sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakagugu­tom ang paghihintay kaya kaysa mag­padala sa badvibes ng delayed flights, eh, kumain na lang tayo. Bagama’t, istrikto ang ilang airport sa pagkain, kailangan natin ng malupit na diskarte, ‘yung tipong kain lang na pasimple at hindi lamon, ganern!

2. SLEEP. Huwag nang mainit ang ulo, wala rin naman itong maga­gawa sa flight mo. Imbes na magrek­lamo o mag-rant sa airport, eh, matu­log o umidlip na lang muna tayo. Oks ito upang ma-recharge tayo. Tandaan lang na hindi magiging abala sa ibang pasahero ang pagtulog natin at hu­wag din kalilimutang magpagising, char!

3. HIT UP THE WiFi. Suwerte natin kapag may libreng WiFi sa airport. Well, isa sa magandang gawin kapag naghihintay ay ang paggamit ng social media, kung tayo ‘yung tipong mahilig mag-post ng mga ganap sa buhay, eh, chance mo na ito. Basta, make sure lang na pinag-iisipan natin ang ating mga ipino-post. Isa pa, kung papunta pa lang tayo, eh, puwedeng mag-research tayo tungkol sa lugar para ka­hit papaano ay hindi tayo ‘zero knowledge’ sa ating pagbaba­kasyunan, okidoki?

4. SOUVENIR SHOPPING CHALLENGE. Si­yempre, duty-free shopping ang target natin dito. Maaari nating gamitin ang pagkakataong ito para makapamili ng mga pasalubong para sa mga kaibigan, katrabaho at kapamilya na hindi nakasama sa gala tulad ng local delicacies, post cards, t-shirt, magnet at kung anu-ano pa. Tandaan lang na huwag ubusin ang budget sa pagbili ng souvenir para hindi nganga pag-uwi, pero kung yayamanin tayo, eh, go lang at bilhin mo ang lahat ng gusto mo. He-he-he!

5. PLAY GAMES. Kapag alam natin na mag-i-spend tayo ng mahabang oras sa paghihintay ng flight, oks kung magbabaon tayo ng mga mapaglilibangan tulad ng mobile games o playing cards. Sa pagkakataong ito, mababaling sa ibang bagay ang ating atensiyon at hindi natin mapapansin ang mahabang oras ng paghihintay. Okay?

6. PLAN AHEAD. Sa buhay, dapat advance tayong mag-isip, kaya habang naghihintay tayo ng flight, eh, puwede tayong mag-plan ahead. Saan ba ang next target place mo, ‘yung next travel bucketlist mo? Siguraduhin lang na huwag gawing drawing ang mga plano, gets mo?

Sa mga beshy natin na airplane ang ‘mode of trans­portation’ sa kani-kanyang bakasyon, siguraduhin ninyo na hindi lang maraming pagkain o pera ang dapat ninyong baunin kundi mahabang pasensiya rin.

Have a safe trip sa lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page