top of page
Pokwang.jpg

PATTS, NAKADEPENSA AGAD VS. PASIG CATHOLIC SA MEN’S VOLLEY

A. Servinio
Apr 25, 2019
1 min read

PORMAL na binuksan ng PATTS College of Aero­nautics ang depensa ng ka­nilang korona sa 26th Na­tional Capital Region Athle­tic Association (NCRAA) Men’s Volleyball sa pama­magitan ng pagwasak sa bumibisitang Pasig Catholic College sa tatlong set, 25-14, 25-17 at 25-10, sa A. R. Valdez Hall Martes ng umaga.

Sinundan ang laro ng mahigpitang banggaan sa Women’s Division sa pa­gitan ng defending cham­pion National College of Business and Arts na pina­dapa ang Lyceum of the Phi­lippines University-Laguna, 25-22, 25-15 at 25-22.

Matapos ang dominan­teng unang set, pinalitan ni PATTS Coach Benjie Her­nandez ang lahat ng anim nilang manlalaro ngunit, hin­di nagbago ang re­sulta.

Bumalik muli ang mga be­terano sa ikatlong set upang siguraduhin ang ta­gumpay bilang regalo sa ka­nilang coach na nagdiwang din ng kanyang kaarawan.

Nahirapan ng husto ang NCBA laban sa mga ma­tatangkad na baguhan ng LPU ngunit, sa huli ay na­naig ang kanilang karanasan bilang kampeon para ma­itala ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

“Hinamon ko ang mga reserba na magpakita nga­yon para handa sila sa mga susunod na laro kung tata­wagin ko sila,” wika ni NCBA coach Ernesto Ba­lubar bilang tugon kung bakit hindi niya agad ibi­nalik ang kanyang mga pambato kahit humabol ang LPU noong huling set.

Sa ibang mga laro ng kababaihan, winalis ng Emilio Aguinaldo College-Cavite ang Pasig Catholic College, 25-12, 25-13 at 25-12.

Nakabawi ang Centro Escolar University sa pag­katalo nila noong nakara­ang linggo sa NCBA at nakuha ang kanilang unang tagumpay sa Olivarez Col­lege, 25-17, 25-21 at 25-21.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page