'Pag panahon ng lindol, mag-ingat sa banta ng tsunami

AYAW tantanan ng lindol ang iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Malinaw na warning ‘yan ng ‘Big One’.
◘◘◘
NAALALA natin si Nunong Noe, kahit nagwa-warning sa mga tao, hindi siya pinapansin.
‘Ayun, tanging ang angkan lang niya ang nailigtas sa delubyo.
◘◘◘
HINDI dapat lumangoy sa mga dalampasigan at beach ang mga tao kapag panahon ng lindol.
Maaaring magka-tsunami anumang oras.
◘◘◘
HINDI rin dapat mag-lamyerda ang mga tao sa mga mall at parke na itinayo sa mga reclaimed area.
Maaaring gumuho o mag-liquefaction ang lupa rito.
◘◘◘
UMIWAS din dapat sa mga mall kapag panahon ng lindol.
Mas mapanganib ang komosyon at stampede.
◘◘◘
NAKAPAGTATAKANG hindi naglalabas ng gabay at babala ang gobyerno kaugnay ng sunud-sunod na lindol.
Hindi ito ordinaryong eksena — kaya maaaring may magaganap na mas malaking trahedya sa Pilipinas.
◘◘◘
ANG “shale oil drilling” ng U.S. ay isa sa nagbubunsod ng malalakas na lindol.
Hinuhukay ng U.S. ang earth mantle para rito humigop ng langis.
Sa paghigop ng langis, hinihigop din nito ang tubig sa kailaliman ng earth mantle na nagbubunsod ng matinding pressure.
◘◘◘
KAPAG inaalis ang tubig sa earth mantle, magbubunsod ito ng ibayong init sa kailaliman ng lupa.
Kumbaga, dehydrated ang earth mantle at mainit na singaw ang resulta nito.
Siyempre, ang resulta ay madalas na paglindol sa iba’t ibang panig ng daigdig.
◘◘◘
ANG "shale oil drilling" ang kakumpitensiya ng oil sa Middle East.
Ang over production ng shale oil ang siyang nagpapababa ng presyo ng oil sa daigdig.
◘◘◘
MAHALAGANG maunawaan ng mga tao na ang industriyalisasyon sa malalaking bansa ang sumisira sa kapaligiran kabilang ang pollution.
Ayaw tumigil ng mga industrialized nation sa pagsira sa kapaligiran.





Comments