top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Marawi rehab, hindi gagastusan — Duterte

Mylene Alfonso
Apr 25, 2019
1 min read

NAGBABALA si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte na hindi maglalabas ng pera ang gobyerno para sa muling pag­tata­tag ng mga gusali na labis na nawasak matapos ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group na tuma­gal ng ilang buwan sa Marawi City.

Ito ang sinabi ng pangulo kasunod ng pag-amin na hindi niya makakayang ma­ibalik sa dati ang nasabing lungsod.

Kaya inihayag ni P-Du­terte na hahayaan niya ang mga negosyanteng may ka­kayahang gastusan ang re­habilitasyon sa lungsod. Ayon sa Punong Eheku­tibo, sa bawat Maranao ay may­roong mga negosyante at kasama na rito ang ilang sang­kot sa shabu.

“I don’t think that I should be spending for their buildings. Hindi ako magga­gasto ng ano,” ani P-Du­terte.

“Marami man ‘yang pera ‘yang mga tao diyan. Every Maranao, there is a businessman. Kasali na ‘yang shabu. May pera sila. The debate there is whether I would be also building the same kind that they lost. I don’t think I am ready for that,” diin ng pangulo.

Kaugnay nito, pinuri ng Chief Executive, ang Hou­sing and Urban Deve­lop­ment Coordinating Coun­cil (HUDCC) para sa mga na­ipatayo nitong pabahay sa Marawi City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page