top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Magkakasunod na lindol sa bansa, nakababahala!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 25, 2019
2 min read

MAHIGIT sampu na ang kumpirmadong namatay kaugnay ng pagyanig kahapon. Ayon sa ulat, Magnitude 6.1 na lindol ang tumama sa Luzon. Karamihan ng nasawi ay mula sa Pampanga, gayunman, hindi pa sigurado kung ito na ang huling tala dahil patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nakaligtas o nasawi mula sa mga gumuhong gusali at imprastruktura.

Samantala, natunton ang epicenter ng lindol sa Castillejos, Zambales, gayunman, wala pang naitatalang nasawi o ulat ng danyos na mas malawak ang danyos sa Pampanga.

May bahagi ng SCTEX na bumitak at umangat. Wala pang anunsiyo kung isasara ang pangunahing highway. Nakalulungkot dahil maging ang bahagi ng Simbahan sa Porac ay gumuho rin.

Ang Pilipinas ay kabilang sa Ring of Fire. Ito ang lugar kung saan karaniwan ang lindol at pagputok ng bulkan dahil sa lokasyon nito sa lupa. Kaya maraming fault lines ang bansa na sanhi ng mga paglindol. Marami ang nagbabala na makararanas ng malakas na lindol ang Metro Manila. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bagama’t, malakas ang pagyanig, ang lindol na naganap noong Lunes ay hindi pa masasabing “major earthquake”.

Sa kabila nito, hindi natin gustong isipin na may mas malakas pang lindol na maaaring maganap sa Metro Manila sapagkat nakatatak o hindi ganu’n kadaling kalimutan ang naganap na lindol noong 1990.

◘◘◘

Ang mga mamamahayag o miyembro ng media ang bagong inaatake ng administrasyong Duterte. Sangkot umano ang ilang grupong media at abogado sa planong patalsikin ang pangulo kung saan mayroong “matrix” na tulad umano ng mga nakaraang “illegal drug matrix”, pero walang matibay na ebidensiya tungkol sa “planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte. Kahit ang militar ay hindi naniniwalang mayroong kilos para mapatalsik ang pangulo. Kung may ganyang mga “plano”, malamang daw kasama ito sa trabaho.

Ayon sa military, mataas pa rin ang tiwala ng mamamayan sa pangulo.

Hindi natin alam kung bakit takot ang administrasyong ito sa mga kritiko, gayung mataas naman ang tiwala ng mamamayan sa pamumuno nito. Tila kailangan nang kumilos ang administrasyon kontra sa lahat ng kritiko tulad nina Senadora Leila de Lima, Sen. Antonio Trillanes, IV, Maria Ressa ng Rappler, LP at ngayon ay ang mga mamamahayag at abogado naman. Mas maraming problema na pahirap sa mamamayan ang kailangang harapin ng gobyerno kaysa unahin daw ang bagong “Oust Duterte Movement” na wala namang matibay na ebidensiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page