top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Jodi, mas wife material pa rin daw… BAGO NI JOLO NA BEAUTY QUEEN, TROPHY GF LANG!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 25, 2019
1 min read

HATI ang opinion ng ilang showbiz observers tungkol sa relasyon ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa beauty queen na si Angelica Alita.

Napapabalitang engaged na sila at nagpaplano nang magpakasal. Pero, ilan sa mga kaibigan nina Jolo at Jodi Santamaria ang nagsasabing may cha­nce na magkabalikan pa sila.

Mas minahal nang seryoso ni Jolo si Jodi at nakikita niya rito ang mga qualities ng kanyang mom na si Bacoor Mayor Lani Mercado. Strong woman din si Jodi, maalaga at mukhang palaban at hindi basta sumusuko sa mga pagsubok. Malawak din ang pang-unawa ni Jodi at mahaba ang pasensiya.

Si Jodi rin ang klase ng babaeng may inner strength na katangiang dapat taglayin ng maybahay ng isang pulitiko. Hindi rin si Jodi ang tipo ng babaeng pandispley lang.

Hindi man siya beauty queen tulad ng bagong GF ni Jolo, mas maipag­mamalaki naman siya ng kahit sinong makakarelasyon niya.

Sa buhay ni Jolo, ang kailangan ni­yang katuwang o partner in life ay isang babaeng makakatulong niya sa pag-abot ng kanyang goal sa political arena, hindi ‘yung trophy girlfriend lang.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page