top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ISANG PANALO NA LANG SA HOTSHOTS VS. ROS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 25, 2019
  • 2 min read

LAMANG na sa serye ang Magnolia Hotshots matapos nilang kalusin ang Rain or Shine, 82-74 sa Game 5 ng PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Lubog sa 0-2 serye, humarurot ng tatlong sunod na panalo ang Hotshots upang hawakan ang 3-2 bentahe at mamuro sa pagsampa sa championship round.

Tumikada sina Mark Barroca at Jio Jalalon ng tig-14 points para sa Magnolia. Bahagyang nakalamang ang Hotshots sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang six-point lead, 40-34 sa halftime.

Nagpursige ang Elasto Painters na makahabol sa third quarter kaya naman isang puntos na lang ang lamang ng Magnolia, 57-58, papasok ng fourth canto. Kalmadong naglaro sa payoff period ang Pambansang Manok Magnolia kaya nakuha nila ang impor­tanteng panalo.

Samantala, tila hindi na mapipigilan ang defending champion San Miguel Beer sa kanilang pagsampa sa championship round matapos ilista ang 3-1 serye laban sa Phoenix Fuel Masters sa kanilang best-of-seven semifinal. Ayon kay Beermen head coach Leo Austria, kumpi­yansa lulusot sila sa semifinals.

“I think mahirap na iyon, 3-1, although their chance is still there,” saad ni Austria. “Mentally, we have to be tougher because this (Game 5) will not be an easy game.”

Kaya naman inaa­sahang lahat ay ga­ga­win ng San Mi­guel para tapusin ang laban sa Game 5.

We will work really hard in the next game because we don’t want to extend the series. It’s not going to be easy because their conference is on the line.” ani Austria.

Nilagok ng Beermen ang pangatlong panalo noong Martes, pina­yuko nila ang Fuel­Masters, 114-91.

Muling sasandalan ng San Miguel Beer sina five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo, Arwind Santos at point guards Alex Cabagnot at Chris Ross upang makuha ang importanteng panalo.

Naniniwala naman si Phoenix mentor Louie Alas na kaya pa nilang umahon at ibubuhos pa rin ang lakas para pahabain ang serye.

We will not give up. Ang sabi ko nga sa ka­nila, kung me plano ka­yong mag-bakasyon ako last thing na gagawin ko dito is mag-give up, hangga’t di nata­tapos ito,” hayag ni Alas.Ibabangga ni Alas sina Calvin Abueva, Matthew Wright at Alex Mallari para makahirit pa ng Game 6. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page