Ipinalaman sa tsinelas | PRESO TIKLO SA SHABU
- Maeng Santos
- Apr 25, 2019
- 1 min read

NASA 21 sachets ng shabu ang nakumpiska sa isang high profile person deprived of liberty sa greyhound operation sa Navotas City Jail (NCJ).
Sa report ni Assistant City Jail Warden Senior Insp. Henry Laus kay NCJ Warden Supt. Ricky Heart Pergalan, 21 sachets ng shabu ang natagpuang nakaipit sa kaliwang tsinelas ni Erwin Esguerra alyas Boy, 50, na may kasong paglabag sa Section 11 of R.A. 9165.
Nakumpiska rin ni JO1 Jhaffy Zesar de Castro ang nakapalaman sa kabilang tsinelas ni Esguerra at mobile phone na pinaniniwalaang ginagamit nito sa kanyang iligal na transaksiyon.
Nauna rito, ipinag-utos ni Supt. Pergalan na isa ring abogado ang sorpresang greyhound operation, alas-9:00 ng umaga kasunod ng ilang ulat na may mga ipinapasok na kontrabando sa city jail sa pamamagitan ng pamingwit. Nang halughugin ang selda 14, napansin ng mga jailguard ang tsinelas ni Esguerra na tila hirap nitong ilakad kaya nang siyasatin ay nadiskubre ang nakapalaman na mga kontrabando.





Comments