top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

FINISHING TOUCHES NA BA NG SMB, O FUEL MASTERS, AALAGWA PA?

Clyde Mariano
Apr 25, 2019
1 min read

LALAPATAN ng finishing touches ng defending Philippine Cup Champion San Miguel Beer ang kanilang pagpasok sa finals kontra sa naghihingalong Phoenix Pulse Fuel Masters sa Game 5 sa muling pagbabalik sa Cuneta Astrodome.

Komportable nang la­mang sa 3-1, pormal na seselyuhan ng Beermen ang best-of-seven semifinal series ng 7 p.m. at determinado nang ipadama muli sa Pulse Fuel Masters ang lupit ng kanilang bangis na ipinakita sa lopsided Game 4 at pinisak ang Matthew Wright led Phoenix, 114-91, at hindi umubra ang kanilang business slogan na “Fuel adds Life”.

Maraming beses nagkai­nitan at halos magpang-abot ang mga magkakatunggali dahil sobrang rugged at marumi ang laro na muntik nang mauwi sa gulo, mabuti na lang maagap ang tatlong referees na sina Sherwin Pineda, Rommel Gruta at Mike Flordeliza at nangiba­baw ang cooler heads. Na-thrown out si Phoenix point guard Alex Mallari.

Sa kabila ng overwhelming favorite na manalo dahil higit na malakas ang SMB man-for-man, ayaw pa ring aminin ni coach Leo Austria na kaya nilang talunin ang inferior Phoenix maski nakapikit ang isang mata. Malas ang elimination topnotcher na Phoenix na nakaharap ang SMB na siyang pinakamalakas na koponan sa liga na puntirya ang pang-5 titulo mula 2012 sa ekspertong gabay ni coach Leo Austria.

“Beating Phoenix is not an easy task. To win, we have to play hard and double our efforts. Phoenix is strong capable turning the table on their favour. We have to be prepared and neutralize their offense,” sabi ni Austria.

Kung mananalo, hihin­tayin ng SMB ang mananalo sa pagitan ng Rain or Shine E-Painters at Magnolia Hotshots na naglalaban sa hiwalay na best-of-seven semifinal playoff.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page