7-anyos dedo sa swimming
- Mylene Alfonso
- Apr 25, 2019
- 1 min read

PATAY na nang maiahon sa swimming pool ang 7-anyos matapos malunod kamakalawa ng hapon sa Aquatic Center Pool sa Vitas, Tondo, Manila.
Kinilala ang biktimang si Elmo Seanne Italia, Grade 3, ng Tondo, Manila.
Batay sa imbestigasyon ni PMSgt. Joseph Kabigting, ala-1:12 ng hapon nang mangyari ang insidente sa naturang swimming pool.
Una rito, nagkayayaan ang ilang kapitbahay at kaklase ng biktima na maligo sa swimming pool.
Dahil maraming naliligo sa pool, hindi umano napansin ng mga kasama ng paslit ang paglubog nito hanggang sa lumutang na patay na pala.
Isinisisi naman ng mga magulang ng biktima ang kapabayaan umano ng may-ari ng swimming pool dahil wala man lamang kahit isang bantay para tumingin sa mga batang lumalangoy.





Comments